guinea pig
International

Babae, pinagluksa ang pagkamatay ng guinea pig

AGAW pansin ngayon sa internet ang makapukaw damdamin na videong ito ng isang babaeng nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang guinea pig.

Nakilala ang babae sa video na si Philippa Davies na mula sa Devon County, England.

Maririnig sa videong ito ang walang tigil na pag-iyak ng dalaga habang hinihimas ang kanyang pumanaw na 2-year-old baby guinea pig.

Ayon kay Davies, nasawi ang kanyang alaga dahil sa takot matapos ang sunod-sunod na fireworks sa kanilang lugar bunsod ng paggunita ng Bonfire Night 2018.

Kasunod nito ay nanawagan ang si Davies na i-ban ang paputok sa kanilang lugar.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga netizen para sa naulilang si Davies.

Umani ng mahigit labing dalawang libong views at daang-daang comments ang heartbreaking video ng dalawa.

Samantala, agaw pansin rin sa social media ang videong ito ng mag-inang pusa na nagyayakapan.

Ika nga nila, the best medicine in the world is a mother’s hug.

Makikita sa naturang video na mahimbing na natutulog ang dalawang pusa ng biglang yakapin ng mahigpit ni mommy cat ang kaniyang baby.

Umani ng mahigit isang milyon views, 40 thousand likes at 13 thousand retweets ang mother and son tandem ng dalawang pusa sa Twitter.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *