Diego Costa
Sports

Atletico footballer Diego Costa, sasailalim sa isang foot surgery

MAWAWALA naman ng ilang linggo sa paglalaro ang Atletico Madrid striker na si Diego Costa dahil sa iniinda nitong injury.

Nangangailangang sumailalim ang footballer na si Costa sa isang foot surgery.

Dahil ilang linggo na din itong hindi makapaglaro ng maayos.

Ang gagawing operasyon kay Costa ay ang kapareho ding surgery na ginawa sa kaniya, labing-dalawang taon na ang nakakalipas.

Nakatakdang operahan ang manlalarong si Costa ngayon Linggo sa ilalim ng mga Atletico Doctors sa Brazil.

Sa ngayon ay nasa ikatlong puwesto na ang team ni Costa na Atletico Madrid sa Spanish League matapos ang 14 matches.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *