ash cloud
International

Ash cloud mula sa Kilauea volcano, tumindi

Tumindi na ang pagsabog ng ash cloud sa Kilauea Volcano sa Hawaii.

Umabot ito sa 12,000 talampakan ang taas ng ash at volcanic smog mula sa crater ng naturang bulkan na lumutang patungo sa timog kanlurang bahagi ng isla.

Pinaalalahanan ang mga residente sa Pahala, labing-walong milyang layo mula sa summit, na umiwas ito sa abo na nakasisira sa kalusugan.

Red alert para sa aircraft, inilabas

Pinaalalahanan din ng US Geological Survey (USGS) ang mga aircraft na umiwas ito sa rota malapit sa volcanic eruption dahil sa ash cloud.

Sa kasalukuyan, nasa tatlumpu’t pitong bahay at ibang pang istraktura na ang nasira ng volcanic gas at lava habang 2,000 bilang naman na mga residente ang lumikas.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *