Pederalismo
National

Asec Mocha, hindi pahihintulutang magsalita kaugnay sa Pederalismo

Sa usapin ng Pederalismo, hindi katanggap-tanggap para maging Spokesperson ng Federalism si Asec Mocha Uson.

Ito ay ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Paliwanag ni PCOO Secretary Martin Andanar , binigyang-diin ni Medialdea na  ang eksperto sa batas at Federalism ang i-tap ng pamahalaan.

Dahil ito ang magsisilbing boses para magpaliwanag sa taumbayan ang kahalagahan nito.

Sinabi ni Andanar na dumiretso kay Uson si Consultative Committee Spokesperson Ding Generoso na hindi nagpapaalam sa kanya.

Ito ay hindi maituturing na opisyal na bahagi ni Uson sa info campaign drive ng pamahalaan.

Sinabi ni Andanar na ang DILG ang  pipili ng Spokesperson at kung ilan ang magsasalita kaugnay sa kampanya sa Pederalismo.

Ipinunto ni Andanar na dapat ang inter-agency ang siyang lumapit sa kanya na nais nilang isama si Uson para ipakalat ang Federalism Info campaign sa social media.

Kakausapin ni Andanar si Uson na huwag na itong magsalita kaugnay sa kampanya ng pamahalaan sa Pederalismo.

Patuloy na isinasapinal ang inter-agency committee na nakatutok sa Federalism Info campaign ang mga gagawin nitong hakbang upang maging mahusay ang kahihinatnan ng kanilang trabaho at maintindihan ng publiko kung ano ang Pederalismo at kalakip na benepisyos sa bayan at sa tao.

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *