Interpol chief
International

Asawa ng dating Interpol chief, nangangamba

NANGANGAMBA ang asawa ng dating Interpol chief para sa kaligtasan ng asawang si Meng Hongwei.

Kabilang ng kanilang kambal na anak na lalaki.

Ayon kay Grace Meng, matapos mawala ang asawa ay nakatanggap umano siya ng banta sa telepono.

Aniya ay may dalawang grupo ang pupunta para siya ay targetin.

Hindi pa alam ng pitong taong kambal ang nagyayari.

Pinagbawalan din niya munang manood ng telebisyon dahil ayaw niyang masaktan ang mga ito.

Nakatago ang kanyang mukha tuwing siya ay kakapanayamin sa takot na manganib ang buhay at ng kanyang mga anak.

Maaalalang noong Setyembre 25 nang bumiyahe ang dating interpol chief mula France patungong China.

Simula noon ay di na ito muling nakita pa.

Noong linggo ay pormal itong nagbitiw sa Interpol bilang presidente at napag-alamang kasalukuyan itong nakadetine sa China.

Hindi pa malaman ang tunay na detalye ng kanyang kaso.

Maliban sa salang political disloyalty at paglabag umano sa batas ayon sa anti-corruption watchdog ng China.

race habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang France kaugnay sa banta sa kanilang buhay.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *