Pop Superstar
Showbiz

Pop Superstar Ariana Grande, kinasuhan ng isang paparazzi

NAHAHARAP ngayon sa isang lawsuit ang pop superstar na si Ariana Grande.

Sinampahan ng reklamo si Ari ng New York-based paparazzi na si Robert Barbera matapos i-post sa Instagram ang larawang kuha ng photographer.

Ani Robert, walang karapatan si Ariana na gamitin ang kaniyang kuhang larawan ng walang paalam.

Giit ng paparazzi, nilabag ng “Thank You Next” singer ang copyright law sa ginawa nitong pag post sa social media.

Ayon sa lawsuit, dapat na ibigay kay Robert ang lahat ng kinita ni Ariana sa naturang post o kaya naman ay magbayad ng 25,000 dollar o katumbas ng mahigit 1 milyong piso kada picture.

Sa kabila naman nito ay hindi pa rin naglalabas ng anumang statement ang “7 Rings” hitmaker.

SMNINEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *