Ariana Grande
Showbiz

Ariana Grande, inalala ang anibersaryo ng Manchester bombing

Ibinahagi ng pop singer Ariana Grande ang kanyang pag-alaala sa isang taong anibersaryo sa naganap na pagpapasabog sa Manchester Arena.

 Nag-post ang 24-anyos na singer sa kanyang Twitter account at nagpadala ng “light and warmth” para sa mga biktima ng Manchester terrorist attack.

“Thinking of you all today and every day I love you with all of me and am sending you all of the light and warmth I have to offer on this challenging day.” – Ariana Grande

Nagpahatid ng pagmamahal si Ariana kasabay ng bee emoji, na simbolo ng North West England, sa kanyang mga tagahanga.

Matatandaang nakaraang taon ng May 22, 2017 (local time ng lugar) isang suicide bomber ang nagpasabog ng nail bomb sa labas ng Manchester Arena sa kalagitnaan ng mga taong lumalabas matapos ang konsyerto ni Ariana Grande na ikinasawi ng dalawampu’t dalawa katao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *