cocaine
Regional

Halos P5M cocaine, narekober sa karagatang sa Camarines Norte

AABOT sa halos P5M ang halaga ng cocaine ang narekober sa karagatang sakop ng bayan ng Vinzon sa Camarines Norte.

Kinumpirma ng Provincial Crime Laboratory na lagpas sa isanlibong gramo ang laman ng narekober na kahon ng mangingisda.

Ayon sa mga otoridad, nangingisda ang mag-amang Alfredo Vega Sr. at kanyang anak na si Alfredo Jr.

Nang madiskubre nila ang palutang-lutang na kahon malapit sa Quinamnucan Island sa Barangay Sula.

Agad na itinurn-over ng mag-amang Vega ang kahon sa punong barangay na siya namang nag-turn over nito sa Municipal Police Station.

Inaalam pa rin ng pulisya ang pinagmulan ng iligal na droga.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *