National

Approval at trust rating ni Pang. Duterte, pinakamataas sa mga gov’t official

Ni: Admar Vilando

Approval at trust rating ni Pangulong Duterte Nananatiling pinakamataas sa mga government officials ng bansa.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hunyo, nakakuha ng 88% na approval at 87% na trust rating si Pangulong Duterte.

Ang naturang rating ay mas mataas kung ihahambing noong Marso ngayong taon kung saan nakakuha si Pangulong Duterte ng 80% approval at 78% trust rating.

Pres. Rodrigo Duterte

  • Approval Rating

June 2018 – 88%

March 2018 – 80%

  • Trust Rating

June 2018 – 87%

March 2018 – 78%

Source: Pulse Asia Survey

Samantala, tumaas din ang approval at trust rating nina Bise Presidente Leni Robredo, dating Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez sa nakalipas na dalawang buwan.

Nakakuha si VP Robredo ng 62% na approval rating at 56% na trust rating.

VP Leni Robredo

  • Approval Rating

June 2018 – 62%

March 2018 – 55%

  • Trust Rating

June 2018 – 56%

March 2018 – 53%

Source: Pulse Asia Survey

Ang approval rating naman ni noo’y Senate Pres. Pimentel ay 72% habang 64% naman ang trust rating.

Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, Former Senate President

  • Approval rating

June 2018 – 72%

March 2018 – 61%

  • Trust rating

June 2018 – 64%

March 2018 – 53%

Source: Pulse Asia Survey

Si Representative Alvarez naman ay may 47% na approval rating at 45% na trust rating.

Representative Pantaleon Alvarez, House Speaker

  • Approval Rating

June 2018 – 47%

March 2018 – 41%

  • Trust Rating

June 2018 – 45%

March 2018 – 36%

Source: Pulse Asia Survey

Ang ilan sa mga mahalagang pangyayari bago o sa kasagsagan ng survey ay ang mga sumusunod:

  • Ang desisyon ng Supreme Court sa pagpapatalsiks sa pwesto ni dating CJ Maria Lourdes Sereno.
  • Pagkaabswelto ng Ombudsman kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa DAP fund controversy.
  • Magkaibang pahayag ni Pangulong Duterte at DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa West Philippine Sea.
  • Pagkakasuspinde ng negosasyon ng pamahalaan at National Democratic Front
  • Pagkapaslang kay Fr. Richmond Nilo at Buenavista Mayor Ronald Tirol
  • At pag-utos ni Pangulong Duterte na hulihin ang mga tambay na lumalabag sa mga ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *