corruption
National

Anti-corruption campaign ng Duterte Administration

“There will be no corruption in government. There will be a clean government.” –  President Rodrigo Duterte.

Ito ang isa sa mga pangako at plataporma ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay nasa kasagsagan pa ng pangangampanya.

Ngayong nasa panunungkulan na si Duterte bilang pinuno ng bansa, iginiit nitong seryoso siya na labanan ang katiwalian sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Mangilang beses na ring nagbabala si Duterte lalo na sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na wala siyang sasantuhin pagdating sa isyu ng korapsyon.

Noong pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, muli niyang binigyang-diin ang mariing pagkontra nito sa graft and corruption practices.

“I also warned government officials and employees that I will never tolerate corruption in my administration, not even a whiff of it.

Let the dismissal of several high-ranking officials – whom I myself appointed – serve as a warning to all that I will never back down on my commitment to cleanse this government and corporation.” – President Rodrigo Duterte.

Presidential Anti-Corruption Commission, itinatag

Noong Oktubre a-kwatro taong 2017, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) No. 43.

Ito ang magtatatag sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang imbestigahan ang mga presidential appointee sa executive branch.

Base sa nasabing EO, mayroong mandato ang PACC na mag-imbestiga, tugisin, magrekomendang tanggalin at idisiplina, kasuhan, tumanggap, mangalap, at magsala ng ebidensiya, intelligence reports at impormasyon sa kasong administratibo laban sa public officials sa executive department.

Ayon kay Commissioner Manuelito Luna, Spokesperson ng PACC, mayroon na silang tinututukan na mga government officials.

Pati na rin ang ilang ahensya ng pamahalaan na may problema sa aspeto ng pagtugon sa serbisyong pampubliko at tiwala ng taumbayan.

“Meron kaming iilan na up to this time hiwalay na sa ating gobyerno through resignation ay iniimbestigahan pa po namin.

Meron din na nandiyan pa na matataas na opisyal na iniimbestigahan pa.” 

“Ganoon ang aming motto, from commission to conviction.” – Commissioner Manuelito Luna, Spokesperson ng PACC.

Mga nasibak sa puwesto, ikinadismaya ng Pangulo

Sa ikalawang taong panunungkulan ng Administrasyong Duterte, marami-rami na rin ang nasibak sa puwesto na mga opisyal ng gobyerno.

Ang ikinadismaya ng Malakanyang ay ang mga nagpursige pa sa kanya na tumakbo sa pagka-pangulo ang siyang nasasangkot sa mga alegasyon ng korapsyon.

You know, I’m very sad to inform you that as of last week I fired another set of high officials.

Alam mo, kasi ‘yung iba to my chagrin almost… these were the guys that — who went back and forth to Davao to convince me to run.” – President Rodrigo Duterte

Kaduda-dudang Anti-Corruption campaign

Sa panig ng IBON Foundation, duda sila sa anti-corruption campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Africa, Executive Director ng IBON Foundation, nakapagtataka na ang mga tinanggal ni Pangulong Duterte sa pwesto dahil sa isyu ng katiwalian ay nabigyan pa uli ng posisyon sa gobyerno.

Ang nakakadismaya pa rito, ay wala pang nasasampahan ng kaso sa mga ito.

Kung seryoso against corruption, ang sabi niya walang sinu-sino, magtataka kami bakit napakaraming mga opisyal.

Even ‘yang 28 na ‘yan na tinanggap yung resignation o sinibak wala pang nanagot sa anumang kaso sa kanila.” 

“Sampahan ng kaso, imbestigahan talaga at isapubliko ang resulta ng imbestigasyon.”  – Jose Enrique ‘Sonny’ Africa, Executive Director ng IBON Foundation

Nasa jurisdiction ng Ombudsman

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, pagdating sa kaso ay ipinauubaya na ito ng Malakanyang sa Ombudsman.

“Wala pong track record na ganoon ang presidente.

Unang una ang pagpa-file po ng kaso sa mga lebel ng mga sinisante ni presidente ay nasa exclusive jurisdiction na nga ng Ombudsman.” – Atty. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Pasaring naman ni  Bayan-Muna Partylist Rep. Neri Colmenares, hindi seryoso, pa-pogi lamang at walang pinag-iba sa selective anti-corruption drive ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kampanya kontra katiwalian ng Administrasyong Duterte.

“No different than the selective anti-corruption drive ni Aquino.

Duterte’s record of recycling or reappointing officials charged with corruption, his deafening silence on the billion pesos shabu smuggling through customs shows he is not serious in his anti-corruption drive.

Pakitang-tao lang at papogi.” – Bayan Muna Chairman and Former Rep. Neri Colmenares

Niresbakan naman ni Liberal Party Vice President for External Affairs  Atty. Erin Tañada  si Pangulong Duterte sa gitna ng pahayag nitong ‘incompetent’ si Vice President Leni Robredo.

Sa isang post sa Twitter account ni Tañada, ipinakita rito na mas naaayon kay Duterte ang salitang ‘incompetent.’

Ito ay dahil sa muling pag-appoint nito sa posisyon sa mga taong tinanggalan na ng katungkulan sa gobyerno at iba pang isyung mas nagpapahirap sa taumbayan.

Bantay Corruption Program, matagumpay

Kaugnay nito, inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na binuksan sa publiko ang ‘Bantay Corruption Program’ ng pamahalaan

Ito ay upang magkaroon ng kaalaman ang karamihan kaugnay ng mga umiiral na batas kontra korapsyon.

Binigyang-pugay ni Año ang mamamayang Pilipino sa bawat lokalidad sa kanilang naging partisipasyon

Ito ay sa pamamagitan ng pag-report at paghahain ng reklamo sa mga corrupt na opisyal ng pamahalaan sa kanilang lugar.

“Our drive against corruption and for good governance would not have been successful if not for the people taking part in the campaign.” – DILG Secretary Eduardo Año

Sa Ikatlong Ulat sa Bayan ni Pangulong Duterte, maraming umaasa na unti-unti nang makakamit ng bansa ang ‘Tunay na Pagbabago’.

Lalo na ang isyu ng korapsyon o pagkamal sa kaban ng bayan.

Kung saan nakabuwis dito ang dugo at pawis ng bawat Pilipino para maitaguyod ang pamilya maging ang bansang Pilipinas.

Cresilyn Catarong

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *