ginugunita
National

Ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang bayani

SA Pilipinas ay ginugunita ang araw ng a-bentesyete ng Agosto bilang araw ng mga bayani.

Kilala ang mga bayani, base sa tinatalakay sa paaralan, nababasa sa mga libro, o nakikita sa pera.

Pero ang tanong alam nga ba ng mga kabataan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang tunay na bayani?

Ilan lamang ito sa kani-kaniyang pakahulugan ng mga estudyante na aming nakapanayam sa kanilang pakikibahagi sa selebrasyon ng Araw ng mga Bayani ngayong araw sa Libingan ng mga Bayani.

Kung pagbabasehan ang kilos ng mga kabataan ngayon, iba na nga ang nakamulatan nila lalo na sa pagbibigay ng tunay na kahulugan ng pagiging bayani sa bansa.

Wala na raw ang sinasabing pag-aalay ng dugo, pakikipaghimagsikan at mga sinaunang kamalayan ng pag-aalay ng buhay, dahil sa kanila ay iba na ngayon ang panahon.

Samantalang itong si John Carlo Igana, isang alumnus ng Pateros National High School, kakaiba ang sa kaniya.

Si Pangulong Duterte ang kaniyang itinuturing na bayani sa kasalukuyang henerasyon.

Ito ay dahil kaniyang nakikita ng sakripisyo ng pangulo para sa bayan partikular na sa ipinatupad nitong libreng edukasyon sa mga kabataan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *