National

Año, bagong DILG chief; Cayetano, itinalaga sa DFA


Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa departure speech ni Duterte bago magtungo ng Cambodia, sinabi niyang si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año ang bagong hepe ng DILG.
Magreretiro si Año bilang hepe ng AFP sa Oktubre saka magsisilbi bilang DILG secretary.
Papalitan nito ang pinagbitiw sa puwestong si Mike Sueno na naharap sa alegasyon ng kurapsiyon.
Samantala, pinirmahan na rin ni Duterte ang appointment papers ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Si Cayetano ang naging running mate ni Duterte sa nagdaang eleksiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *