Anne Curtis
Showbiz

Anne Curtis, Angelina Jolie of the Philippines

Ikinatuwa ng actress na si Anne Curtis matapos siyang tawaging Angelina Jolie of the Philippines dahil sa kanyang latest role sa pelikula ni Direk Eric Matti na Buy Bust.

Sinabi nitong nakaka-flatter na ihambing siya ng kanyang mga katrabaho sa Hollywood actress dahil ibinuhos niya ang kanyang oras at effort sa pelikula.

Relieved rin si Anne na mabuti ang kinalabasan ng Buy Bust at masaya si Direk Eric sa outcome ng project matapos ang dalawang taon na pagshoot nito.

Marami ring natutunan ang aktres sa paggawa ng ganitong genre ng film.

Aniya, mas naging sensitive siya sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran lalo na at involved sa pelikula ang PDEA at siya ay nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng lead role sa isang action film.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *