American-Chinese architect
International

American-Chinese architect I.M. Pei, pumanaw na

PUMANAW na sa edad na 102 ang kinikilalang American-Chinese architect na si I.M. Pei na nagdisenyo ng ilang mga kilalang gusali sa mundo tulad ng Louvre Pyramid sa Paris.

Kabilang din dito ang 72 palapag na Bank of China Tower sa Hong Kong, Athens’ Museum of Modern Art, at Miho Museum sa Shigo, Japan.

Dahil sa kanyang istilong modern architecture ay nakatanggap si Pei ng samo’t saring gantimpala at parangal tulad ng prestihiyosong Pritzker prize kung saan ang premyo ay ginamit niya para suportahan ang mga Chinese students na nag-aaral ng architecture sa Amerika.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *