Philippine Ambassador to Canada
National

Philippine Ambassador to Canada, nakauwi na sa bansa

NAKABALIK na ng bansa si Philippine Ambassador to Canada Petronila Garcia.

Kinumpirma ito ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Media Affairs.

Alas 3:56 ng umaga nang dumating si Garcia sa NAIA Terminal 1 sakay ng Philippine Airlines Flight PR119 mula sa Toronto, Canada.

Miyerkules ng hatinggbi nang ipinag-utos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa mga ambassador at opisyal ng Konsulada ng Pilipinas sa Canada dahil sa hindi pagsunod ng nasabing bansa sa May 15 deadline para kunin ang kanilang itinambak na basura.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *