sa Canada
National

Ambassador at consuls ng Pilipinas sa Canada, pinauuwi na

PINAUUWI na sa bansa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador at mga opisyal ng Konsulada ng Pilipinas sa Canada.

Ito ay matapos mabigo ang Canada na tumalima sa May 15 deadline ng pamahalaan para kunin ang kanilang basura na tinambak sa Pilipinas, ilang taon na ang nakararaan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, hatinggabi nang lumabas ang Letter for Recall para sa ambassador at consuls ng Pilipinas.

Sinabi ni Locsin na sa mga susunod na araw ay inaasahang makakauwi na ang mga opisyal.

Nagbabala naman ang kalihim na mananatiling putol ang diplomatic presence ng Pilipinas sa Canada hangga’t hindi naalis sa bansa ang mga basura.

Matatandaang una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte ng giyera sa Canada dahil sa isyu sa basura.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *