Jackson
Showbiz

Ama ni Michael Jackson na si Joe Jackson, pumanaw sa edad na 89

Pumanaw sa edad na otsenta’y nuebe (89) anyos ang ama ng music legend na sina Michael at Janet Jackson na si Joe Jackson.

Ito ay matapos sa ilang araw na pagkakaospital dahil sa sakit na terminal pancreatic cancer.

Malaki ang naging papel ng patriarch ng Jackson Family sa mga career ng The Jackson 5 maging kina Michael at Janet Jackson.

Kabilang sa The Jackson 5 ang limang anak na lalaki na sina Jackie, Tito, Jermaine, Marlon at Michael kung saan minsan ay nakakasama nito ang bunsong anak na si Randy na isinulong ang solo career.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *