National

Ama ng ‘hazing victim’, nagging emosyonal sa pagharap sa Senado

Naging emosyunal ang ama ng hazing victim na si Horatio Castillo Jr., nang magbigay ng testimonya sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order.
Sasalaysayni Castillo Jr., sinabi nitong wala silang kaalam-alam na dumanas na ng hazing ang kaniyang anak dahil maayos naman ang paalam nito para sa ilang aktibidad.
Sinabi pa ng nakakatandang Castillo na tinawagan pa nila ang numero ng nakatala sa naiwang babasahin ng Aegis Juris Fraternity ngunit wala umanong sumasagot.
Doon na umano sila nabahala at nagsimulang maghanap maging sa UST Hospital at iba pang pagamutan.
Kinaumagahan na umano nila nalaman ang pangyayari nang may unidentified sender na nagpadala ng mensaheng nasa Chinese General Hospital ang kanilang anak.
Labis naman ang paghihinagpis ng pamilya nang makumpirmang patayna siAtio at pumanaw ito dahil sa matinding pahirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *