Zambales
National

Alkalde ng Zambales, may panawagan kay Pangulong Duterte

Naniniwala si Mayor Arsenia Lim, Alkalde ng Masinloc Zambales na hindi na dapat nagpapaalam ang Pilipinas sa China sa tuwing papasok ang mga mangingisda sa sarili nitong teritoryo dahil karapatan nila ito.

Ayon sa alkalde, “Hindi dapat, dahil ‘yan ay pag-aari natin lalo na nasasakop ng aming bayan na dating traditional fishing ground ng mga fisherman ng masinloc hindi tayo dapat magpaalam.”

Aminado si Lim na isang national issue ang kinakaharap ng mga mangingisdang kinukuhanan ng kanilang huli ng mga Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal na itinuturing na barter naman ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua.

Ayon kay Ambassador Zhao Jinhua, “I have noted in the media report and we are conducting a very serious and responsible investigation over the alleged confiscation of the catch of the Filipino fishermen but the initial investigation of both sides reflect that this is not harassment, this is not confiscation, it is some sort of barter trade, which have been going on for quite some time. When your fishermen need food, particularly when they need food water, the Chinese fishermen, Chinese Coast Guard will exchange these with their catch.”

Pero para sa lokal na pamahalaan ng Masinloc ay isang malinaw na pangungurakot ang ginagawa ng Chinese Coast Guard sa kanilang mangingisda kaya para wala nang gulo at hindi pagbawalan na mangisda sa Scarborough Shoal ay kanila na lang itong tinitiis.

Dagdag pa ni Mayor Lim, Yun nga po hinihingian sila ng isda ang mga Masinlokenyos po ay mababait na tao yan ayaw po nila ng gulo, ayaw nila makiaway kaya okay na lang na magbigay sila kaysa bawalan po sila.”

Maging ang Malakanyang ay hindi tinanggap na tawagin itong barter kung hindi naman nasusuklian ng tama ang kinukuhang huli ng mga mangingisda.

Ayon kay Secretary Harry Roque,Unang-una hindi po natin tinatanggap na barter ‘yun kaya yung mga balita na ako daw ang nagsabi na barter ang sabi ko nga po ay fish thievery pero tagalugin na natin, pangongotong I think o pangingikil. Ano ba ang mas maganda o pagnanakaw pero parang mas maganda ang pangongotong.”

Kaya naman ito ang panawagan ng Mayor Lim kay Pangulong Duterte na sa tingin niya malaki ang maitutulong para sa kapakanan ng mahigit 5,000 mga mangingisda ng Masinloc, Zambales.

“Makapangisda ng maayos ang aking mga kababayan na hindi sila masasaktan at makasilong sila doon sa lagoon sa ngayon yan ang posisyon ng LGU.”

Hanna Jane Sancho

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *