Alaska
Sports

Alaska Aces, apektado sa pagkawala nina Abueva at teng

Inamin ni Alaska Head Coach Alex Compton na mahirap i-cover ng buong team ang pagkawala ng dalawang magaling na forward players.

Sinabi ni Compton na walang manlalaro sa liga maliban kay Calvin Abueva na maaring makuha ang ilang loose balls at offensive rebounds.

Aniya, walang makakapalit kay Abueva na may taglay na bilis, energy at angas sa hardcourt.

Malaking kawalan din aniya sa team si Jeron Teng na nagpapagaling dahil sa tinamong mga saksak sa katawan matapos ang isang kaguluhan na kinasangkutan nito sa BGC, Taguig City.

Sa nagdaang laro, pinagsanib na 14.7 points at 13.7 rebounds ang nawala sa Alaska dahil hindi nakapaglaro sina Abueva at Teng.

Si Abueva ay sinuspende ng team dahil mahigit isang linggo na itong absent at hindi nakakasipot sa practice ng koponan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *