National

Alamin: Bagong idadagdag ng DepEd sa curriculum ng K-12 system

IDADAGDAG ng Department of Education (DEPEd) sa curriculum ng mga estudyante ang Disaster Risk Reduction Management (DRRM).
 
Layon nito na maturuan ang mga mag-aaral sa tamang pagresponde at makapagligtas ng pamilya at kapwa sa oras ng kalamidad.
 
Kaugnay nito, sampung paaralan sa Central Visayas ang gagawing “pilot project” ng DepEd.
 
Kabilang dito ang mga paaralan ng Bogo, Carcar, Cebu, Danao, Lapu-Lapu, Mandaue, Naga, Talisay at Toledo.
 
Katuwang ng deped sa programa ang seeds asia, isang organisasyon na nakabase sa Japan.
 
Ayon sa DEPEd, isisingit ang DRRM subject sa math, geometry at iba pang asignatura.
 
Dagdag pa ng DEPEd, na kapag maganda ang resulta ng programa ay unti-unti nila itong ipapatupad sa buong bansa.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *