National

Akusasyon ni Aguirre ng pagkaantala ng kanyang request sa SC, walang basehan—kampo ni Sereno

WALANG basehan ang akusasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay sa pagkaantala ng kanyang request.
Ito ang iginiit ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa inilabas na pahayag ng mga abugado ng punong mahistrado, hindi si Sereno kung di Supreme Court ang nagresolba ng request ni Aguirre.
Dagdag pa ng kampo ni Sereno na tinugunan ng Korte Suprema ang inisyal na request ni Aguirre na ilipat ang mga kaso ng grupong Maute sa Taguig City sa loob lamang ng 8 araw.
Anila, natanggap ng kataas-taasang hukuman ang kahilingan ni Aguirre noong Mayo 29, 2017 at naglabas ng resolusyon noong Hunyo 6, 2017.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *