Aiko Melendez
Showbiz

Aiko Melendez at Heart Evangelista, sobra ang saya sa pagkahalal ng kanilang mga partner

MASAYA ang aktres na si Aiko Melendez dahil sa kabila ng mga paninira ng mahigpit na katunggali ay napili pa ring ihalal bilang bagong vice governor ang kanyang boyfriend na si Jay Khonghun sa probinsya ng Zambales.

Humakot si Jay Khonghun ng 181, 402 votes laban kay incumbent Vice Governor Angelica Magsaysay-Cheng na may 92, 364 votes.

Matandaang pinaratangan ni Magsaysay-Cheng na sangkot si Aiko at ang kanyang boyfriend sa iligal na droga dahilan upang magsampa ng kasong libel ang aktres laban sa vice governor sa Olongapo Regional Trial Court

Labis din ang kasiyahan ni Heart Evangelista sa pagkapanalo ni Senator Francis “Chiz” Escudero bilang governor sa lalawigan ng Sorsogon.

Say ng aktres sa kanyang Instagram post na panahon na upang pagtuunan ni Chiz ang Sorsogon matapos ang mahabang panahon sa panunungkulan nito sa Senado.

SMNINEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *