National

AFP, kinumpirma na kumikita ng P1-B kada taon ang NPA sa revolutionary tax

KUMIKITA higit P1-bilyon kada taon ang New People‟s Army (NPA).
Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kita ng NPA
mula sa pangingikil umano sa iba’t ibang establisimiyento sa Eastern
Mindanao.
Batay sa intelligence report ng AFP, nangongolekta ng pera ang mga
rebeldeng NPA mula sa agri-industrial, mining, transport sectors, business
firms at iba pang mga indibidwal.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Commander Lt. Gen. Benjamin
Madrigal, na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga negosyante
para ipabatid ang epekto ng kanilang pagbibigay ng extortion fund sa mga
komunistang rebelde.
Tinuruan na rin umano nila ang mga negosyante kung ano ang tamang
gawin sa oras na kikilan sila ng mga rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *