IPINAG-utos
National

AFP inatasang sa Israel bumili ng mga intelligence gadget

IPINAG-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na sa Israel na lamang bumili ng military equipments.

Partikular na ang mga intelligence gadget.

Ito ang inihayag ng pangulo sa pakikipagpulong kay Israel President Reuven Rivlin sa Jerusalem.

Aniya tiyak na nakikinig din ang mga bansa sa usapang panloob ng Pilipinas kung may ibebenta na armas.

Kabilang ang America, China at Germany bagama’t kaibigan ng pangulo ang mga ito.

Nananiwala rin ito na walang magiging problema ang relasyon ng Israel at Pilipinas.

Dahil magkalayo aniya ang dalawang bansa kung heopolitics ang pag-uusapan.

Dagdag pa ni Duterte, malaki ang pagkakapareho ng dalawang bansa dahil parehong pumapanig ang mga ito sa tamang moral.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *