Metro

900 E-Trikes, ipinamahagi ng DOE sa LGUS

Upang mai-promote ang mas malinis o eco-friendly na transportasyon sa bansa ay 900 units ng electric tricycles o E-Trike ang ipinamahagi ng Department of Energy  (DOE) sa ibat-ibang lungsod sa National Capital Region (NCR).

Sa isang MOA signing event sa DOE ay pumirma sa isang kasunduan sina Las Pinas Mayor Imelda Aguilar, Pateros Mayor Miguel Ponce III, Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Sa isang panayam, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang pamimigay ng E-Trike ay bahagi ng market transformation initiative ng DOE, kung saan may layunin itong ipakilala sa mga mamamayan na mas makabubuti ang paggamit nito para sa kapaligiran.

Bahagi din ito sa P1.7-B agreement sa Asian Development Bank kung saan tatlong libong E-Trikes ang nakatakdang ipamigay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang programa ay unang inilunsad ng Aquino Administration kung saan isaang daang libong E-Trike ang dapat ipamigay.

Ngunit kinansela ang siyamnapu’t-pitong libong units ng kasalukuyang administrasyon dahil sa halagang limang daang libong piso kada unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *