bagyong tumama sa Japan
International

9 patay sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan

SIYAM ang naiulat na nasawi habang mahigit tatlong daan ang sugatan sa pananalasa ng pinakamalakas na Bagyong tumama sa Japan.

Sa loob ng dalawampu’t limang taon.

Pinayuhan ng Japanese government ang paglikas ng mahigit isang milyon katao matapos mag-landfall ang bagyo sa maliit na main island ng Shikoku.

Ayon sa pagtaya ng Saffir-Simpson, umabot sa Category 3 ang naturang typhoon at pinakamalakas ito na nag-landfall sa Japan simula noong taong 1993.

Tinatayang mahigit tatlong libong pasahero ang na-estranded sa paliparan ng Kansai International Airport sa Osaka.

Nang magkansel ang daan-daang flights dulot ng malakas na bagyo.

Kasalukuyan namang humihina ang Bagyong Jebi habang naglakbay ito patungong hilagang bahagi ng Japan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *