National

Lahar mula sa Mayon, posibleng umagos sa mga residente ng Albay

BINALAAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residenteng naninirahan sa palibot ng Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay sa posibleng pagdaloy ng lahar.
Ito ay dahil sa mga pag-ulan sa lugar na dala naman ng tail end of the cold front.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, dapat maghanda ang mga
residente upang makaiwas sa panganib.

Sa huling tala ng NDRRMC, tinatayang nasa 22,827 na pamilya o 88,886 na indibidwal ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Mula sa nasabing bilang, 18,365 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers habang ang nalalabing bilang ay kinukupkop ng kanilang mga kamag-anak.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay mula sa limampu’t anim na barangay sa mga bayan ng Bacacay, Camalig, Guinobatan, Daraga, Malilipot, Santo Domingo at mga lungsod ng Tabaco, Ligao at Legazpi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *