National

8 medical clinics na konektado sa operasyon ng IS ipinasara ng DOH


Sinuspindi ni Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Jean Ubial ang walong medical clinics na umano’y nagmomonopolyo sa pagsasagawa ng pre-employment medical examination para sa mga migranteng manggagawa na patungo ng Kuwait.
Ito ay matapos mapag-alamang konektado ang mga ito sa teroristang si Hussein Aldhafiri na umano’y miyembro ng Islamic State (IS) na ipina-deport ng mga awtoridad noong Biyernes.
Kabilang sa walong ipinasarang klinika ang Abakkus Medical Diagnostic Services na nasa Palanan, Makati City samantalang ang pito pa na pawang nakabase sa Malate, Maynila ay ang Agoncillo Medical Clinic, Ruben Bartolome Clinic, Global Medical Clinic, Orion Medical and Diagnostic Center, Our Health Medical and Diagnostic Center, Our Lady of All Nations Laboratory at san Marcelino Medical Clinic.
Kasabay nito, pinaiimbestigahan din ni ACTS-OFW Party-list Representative Aniceto Bertiz ang iligal na koleksiyon umano sa mga migranteng manggagawa ng Winston Q8 Certification Solution na pag-aari mismo ni Aldhafiri.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *