Arestado
Regional

8 Israeli, arestado sa Clark Freeport

Arestado ang walong Israeli na umano’y sangkot sa investment scam na nag-ooperate sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga.
Kinilala ang ilan sa mga naaresto na sina Gal Manobla, Natali Grin, Ishay Shaulov at Noa Hofman, na umano’y nagpapatakbo International Branding Development Marketing Incorporated.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, maliban sa mga dayuhan, inaresto din ang nasa apatnaraan pitumpu’t apat na mga pinoy na nagsisilbing call center agent ng nasabing kompanya.

Isinagawa ang pag-aresto sa mga suspek sa bisa ng search warrant dahil sa reklamong estafa.
Sinabi ni Albayalde na dalawang taon na nag-ooperate na walang business permit ang mga suspek.
Sa ngayon ay inihahanda na ng Philippine National Police-Anti Cyber Group (PNP-ACG) ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa laban sa mga suspek.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *