Metro

70 pamilya, nasunugan sa Tondo


Halos pitumpung pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok sa sunog ang tatlumpung kabahayan sa Baseco Compound sa Tondo, Manila.
Nabatid na pawang gawa sa light materials kaya’t mabilis na kumalat ang apoy sa dikit-dikit na mga barung-barong.
Inabot nang halos isang oras ang sunog na itinaas sa ikalimang alarma bago ito idineklarang under control ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon kay Chief Insp. Marvin Carbonel, hepe ng operations ng Manila Fire Department, pinaniniwalaang naiwang appliance o sa nagliyab na electrical wiring ang sanhi ng apoy.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang pinagmulan ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *