National

7-katao na pinaghihinalaang miyembro ng Maute group, hinarang ng Bureau of Immigration sa airport

        Hinarang ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang limang indibidwal na may apelyidong Maute at dalawa pang kasama na paalis ng bansa.
        Kabilang sa mga naharang ay sina Abdulcahar Maute, Al Nizar Maute, Abdulrahman Maute, Yasser Maute at Ashary Maute, at ang dalawang kasala na sina Mawiyag Cota, Acmali Mawiyag.
        Pasahero sila ng isang commercial airline na aalis sana patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
        Sa ngayon ay nananatili sa airport police ang mga ito at sumasailalim sa imbestigasyon.
        Hindi naman masabi ng mga otoridad kung kabilang ang pito sa may arrest order na ipinalabas ng Department of National Defense (DND) kaugnay sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *