6th E-Power Mo
National

“6th E-Power Mo” Conference ng DOE, pinangunahan ni Sec. Cusi

Pinangunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang paglunsad ng programang ‘6th E-Power Mo’ ng Department of Energy (DOE).

Ang ‘E-Power Mo’ campaign ay naglalayong paigtingin ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon patungkol sa mga isyu sa sektor ng enerhiya, tamang paggamit ng enerhiya at energy resiliency.

Dinaluhan ito ng daan-daang participants mula sa pamunuan ng DOE, consumer sectors at stakeholders.

Magkakaroon ng anim na breakout sessions kung saan tatalakayin ang patungkol sa downstream oil at natural gas; upstream oil at gas; renewable energy; power; alternative fuels at energy efficiency at ang consumer sector.

Naisakatuparan ang naturang kampanya ng DOE sa pakikipagtulungan nito sa Presidential Communications Operations Office, Philippine Information Agency at ng B-Leaders Project of US-Aid.

Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *