Metro

60 kabahayan sa Caloocan nasunog sa Pasko ng Pagkabuhay


Mahigit sa animnapung kabahayan ang natupok ng apoy kasabay ng pagsalubong sa Pasko ng Pagkabuhay sa Maypajo, Caloocan.
Samantala, nasa pitumpung pamilya ang apektado ng naturang sunog.
Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang nagngangalang “Ostrea.”
Nabatid na pawang gawa sa light materials ang nasabing mga kabahayan na tinupok ng sunog na umabot sa ikalimang alarma.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog na nagmula sa electrical overload, ayon na rin sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *