National

6 na senador kinumpirma ang pagdalo sa 2017 Palarong Pambansa


Kumpirmado na ang pagdalo ng anim na senador sa opening ceremony ng 2017 Palarong Pambansa sa Lalawigan ng Antique.
Kabilang sa mga dadalo ang mga senador na sina Loren Legarda na tubong Antique, Bam Aquino, Sonny Angara, Manny Pacquiao at Franklin Drilon.
Ayon kay Atty. Arthur Lastimoso, chairman ng local organizing committee ng Palarong Pambansa, nakikipag-ugnayan pa sila sa Malakanyang para sa posibleng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Imbitado rin ang mga gobernador at mambabatas ng mga rehiyon sa nasabing event.
Dadalo rin ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) at ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Chairman Butch Ramirez.
Magsisimula naman ang Palarong Pambansa sa Abril 23 na magtatapos ng Abril 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *