Yolanda
National

5-taong anibersaryo ng pananalasa ng Bagyong Yolanda, ginunita

GINUGUNITA ngayong araw ang ika-limang taon ng paghagupit ng Super Typhoon Yolanda.

Isang misa sa Anibong, Tacloban City Leyte ang inalay para sa mga biktima ni Yolanda noong Nobyembre 8, 2013.

Nag-alay naman ng panalangin at nagtirik ng mga kandila ang mga pamilya ng mga nasawi sa paghagupit ng super typhoon.

Ginanap ito sa Yolanda Memorial sa Tanauan, Leyte.

Nakikiisa rin ang Malacañang sa paggunita sa ika-limang anibersaryo ng pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Samantala, umaasa ang Regional Development Council Region 8 sa positibong tugon ng pamahalaan.

Kaugnay ito sa kanilang hiling na i-reallocate ang hindi nagastos na pondo na ibinalik sa national treasury.

Para gamitin sa rehabilitasyon sa mga sinalantang lugar ng Yolanda.

Kailangan ang bilyung-bilyong pisong pondo dahil marami pang dapat tugunan.

At isailalim sa rehabilitasyon sa Eastern Visayas lalo na ang permanenteng pabahay sa mga sinalanta ng super typhoon.

Ayon ito kay National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Director at RDC Vice Chairman Bonifacio Uy.

Ilan naman sa mga tinukoy nito na pondong hindi nagastos ay mula sa calamity fund, National Disaster Risk Reduction and Management Fund.

Kabilang ang quick response fund, automatic at supplemental appropriation, realignments and savings at regular agency funds.

Hindi naman ginamit ang mga nabanggit na pondo dahil nagkaroon ng mga isyu sa Yolanda projects ang ilang ahensya ng pamahalaan.

Tulad ng pag-proseso ng mga dokumento at right to use agreement.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *