National

5 suspek sa pamemeke ng titulo ng lupa, nahuli

ISINAILALIM sa inquest proceedings ang limang suspek na nahuli sa isang entrapment operation ng Philippine National Police o PNP-Tagaytay kaugnay ng estafa.

Pinangunahan ni OIC Tagaytay City Psupt. Elmer Decena ang operasyon kung saan nahuli ang mga suspek sa isang supermarket sa Tagaytay City.

Ayon kay Decena, inireklamo ng Japanese national na may kasamang Filipino business partner sa isang korporasyon ang mga nasabing suspek.

Nireklamuhan ang mga suspek sa kasong estafa at falsification of public documents.

Kinilala naman ang mga salarin na sina Gerardo Trinidad,  58 yrs.old na umano’y dating DENR employee; Aireen Tan,  52 yrs.old; Rochel Alcantara,  49 yrs.old.

Kabilang din sina Michael Sarabosing, 34 yrs.old; at William Pineda, 48 yrs.old.

Ang mga biktima ay sina Ester Rosales,  68 yrs. At Yoshihisa Tsujimoto, 46 yrs old, isang businessman sa Makati City.

Una rito, personal na dumulog ang mga biktima sa PNP Tagaytay para humingi ng tulong kaugnay ng estafa at falsification.

Ayon pa kay Decena, nagbayad na ang biktima ng humigit-kumulang P80 million halaga sa mga suspek.

Bilang inisyal na bayad para sa 8 parcel ng lupa na ibinenta ng mga ito.

Kalaunan ay nadiskubre ng biktima na peke ang mga titulo ng lupa na ibinigay ng mga suspek.

Narekober din na nakapagmay-ari pa ng mga mamahaling sasakyan ang mga suspek na produkto ng kanilang transaksyon.

Kasunod ng inquest proceedings, nagdesisyon ang piskal ng Tagaytay na pansamantalang i-release muna ang mga suspek dahil sa late filing ng kaso.

Nilinaw naman ni Atty. Dennis Wagas, abogado ng mga biktima, na hindi dinismiss ang kaso bagkus ni-referred lamang para sa isang masusing imbestigasyon.

Dagdag pa ni Atty. Wagas, magkakaroon ng regular na preliminary investigation ang PNP Tagaytay.

Kaugnay sa naging reklamo ng isang korporasyon kasama ng Japanese national at nakatakdang isagawa ang  initial hearing sa Setyembre 18.
SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *