nasawi
International

35 nasawi, pagguho ng Genoa Bridge sa Italy

Kinumpirma ng Italian Ministry of Interior na umabot na sa 39 ang nasawi sa nag-collapse na Genoa Bridge sa Italy.

Ayon sa ulat, ang tulay ay may taas na 100 metro habang may 80 metro ng kabuuan ng tulay ang bumagsak.

Dahil dito, marami rin ang nasugatan habang patuloy pa rin ang paghahanap ng mga survivors.

Tinatayang nasa 30 hanggang 35 na sasakyan at tatlong truck ang nadamay sa insidente.

Hinihinalang structural failure at biglaang pagbagyo ang dahilan ng pagcollapse ng tulay.

Sinabi ni Italian Interior Minister and Deputy Prime Minister Matteo Salvini na gagawin niya ang lahat para makalap ang pangalan ng dati at kasalukuyang managers na responsable sa insidente.

Ang Genoa Bridge o mas kilala sa tawag na Morandi Bridge ay itinatag sa Genoa, Italy noong 1960’s at ipinangalan sa designer nitong si Riccardo Morandi.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *