Kakasuhan
Regional

32 katao, kakasuhan sa pagkasunog ng NCCC mall sa Davao

Kakasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasa tatlumpu’t dalawang indibidwal dahil sa pagkakasunog ng New City Commercial Center (NCCC) mall sa Davao City noong December 23 ng nakaraang taon na ikinasawi ng tatlumpu’t walong katao.

Sinabi ni DILG Officer-In-Charge Secretary Eduardo Año na sasampahan nila ng mga kasong kriminal at administratibo ang nasabing mga indibidwal.

Kabilang sa mga kakasuhan ang ilang opisyal ng local government ng Davao City, Philippine Economic Zone Authority at Bureau OF Fire Protection.

Kasama rin sa mga kakasuhan ang mga may ari ng mall; mga opisyal ng Survey Sampling International at ang call center kung saan nagtatrabaho ang tatlumpu’t pitong mga namatay.

Isinumite na ni Año ang rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ) para rebyuhin ang pagsasampa ng kaso.

15 BIFF, patay sa operasyon ng militar sa Maguindanao

Patay ang labing limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at matagumpay ding nakubkob ng militar ang kampo na pagawaan ng improvised explosive device ng mga rebelde sa isinagawang operasyon ng militar sa Liguasan Marsh sa Maguindanao.

Ito ang kinumpirma ni Brigader General Cirilito Sobejana, Commander ng 6th Infantry Division.

Sinabi ni Sobejana na bukod sa mga namatay ay mayroong sampung iba pa ang nasugatan sa panig ng BIFF.

Habang wala namang casualty sa panig ng militar.

Agad namang pinalikas ang mga residente sa lugar na apektado ng sagupaan.

Ang nasabing operasyon ay kasunod ng pagkakakumpiska sa pagawaan ng bomba sa lugar.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *