Western Libya
National

3 Pinoy na dinukot sa Western Libya, nakalaya na

NAKALAYA na ang tatlong Pinoy at isang Korean national na dinukot ng armadong grupo sa Western Libya.

Sa isang pahayag, sinabi ng UAE Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation na napalaya ang apat bunsod ng “intensive efforts” na isinagawa ng UAE sa pakikitulungan at ugnayan sa Libyan National Army (LNA).

Hindi naman tinukoy ng Emirates ang mga pangalan ng mga biktima at eksaktong petsa kung kailan sila pinalaya.

Ayon sa UAE government, inaayos na nila ang mga dokumento para makauwi na sa kani-kanilang mga bansa ang mga pinalayang sibilyan.

Sinabi ng UAE Foreign Ministry na nakipag-ugnayan sila sa LNA para mapalaya ang mga ito matapos makatanggap ng requests mula sa Pilipinas at South Korea.

Hulyo noong nakaraang taon nang dukutin ng hindi nakilalang armadong grupo ang 3 Pinoy at kanilang co-worker na Korean sa The Great Man-Made River Project sa Western Libya.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *