Bulkang Mayon
National

3 phreatic eruption, naitala sa Bulkang Mayon

Tatlong phreatic eruption ang naitala sa Bulkang Mayon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, bago maitala ang mga phreatic eruption ay dalawang mahinang lindol ang naramdaman malapit sa bulkan.

Nakita sa bunganga ng Mayon ang ash column na may taas na halos isang kilometro.

Sa kasalukuyan ay nanatili pa rin sa alert level 2 ang palibot ng Mayon, ibig sabihin posible makapagtala ng ‘moderate level of unrest’ o ‘mild eruptions’.

Muli namang nagpaalala ang PHIVOLCS sa publiko na nananatili pa rin ang six-kilometer permanent danger zone sa lugar.

Nito lamang linggo nang makapagtala rin ng dalawang phreatic eruption sa Bulkang Mayon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *