Metro

3 katao, patay sa sunog ng isang printing shop sa Quiapo, Maynila

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng mga otoridad ang sanhi ng sunog sa isang printing shop sa Recto Avenue sa Quiapo, Maynila na ikinasawi ng tatlo katao.
 
Isa sa mga aalamin ng mga otoridad kung bakit nakakandado ang pintuan ng naturang shop gayong may mga tao sa loob nito.
 
Kinilala ang mga namatay na sina Joel Iba, Benjie Solis at Ronald Obiedo na na-trap sa pinagtatrabahuhang Lumandas Printing Services.
 
Ayon sa may-ari ng printing shop na si Renato Galicia, nagkaroon sila ng christmas party at naiwan ang mga biktima dahil sa sobrang kalasingan.
 
Isa sa tinitingnang dahilan ng sunog ay ang naiwang nakasaksak na videoke machine.
 
Aabot naman sa mahigit P1-million ang halaga nang natupok na ari-arian kasama na ang katabi nitong internet shop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *