pardon
National

25 Pinoy, binigyan ng pardon ng Qatar

Nasa dalawampu’t limang (25) Pinoy detainees ang binigyan ng pardon ng gobyerno ng Qatar.

Ito ang kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ni Bello na “napakalaking gesture of goodwill and confidence-building measure” ito galing sa pamahalaan ng Qatar.

Personal namang nagpaabot ng pasasalamat si Bello sa kaniyang counterpart na si Minister oF Administrative Development Labor and Social Affairs Dr. Essa Bin Saad Al Jafali Al Nuaimi.

Labing-walo (18) sa mga napalaya ay mga lalaki habang pito (7) ang babae na nahaharap sa iba’t ibang kaso gaya ng estafa, adultery, theft, iligal na droga at physical assault.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *