dumating
National

22 distressed OFWS, dumating sa bansa

Karagdagang dalawampu’t dalawang distressed Overseas Filipino Workers mula Kuwait ang dumating na sa bansa.

Ito ang second batch ng mga Pinoy Workers na nag-avail ng amnesty program matapos makaranas ng pangma-maltrato mula sa kanilang mga amo sa Kuwait.

Tumanggap ng tig-limang libong pisong financial assistance ang nasabing mga OFW at bibigyan ng livelihood program ng gobyerno.

Karamihan sa mga umuwing OFWS ay mula sa Mindanao.

Mga OFW sa Jeddah, inalerto sa inaasahang bagyo

Inalerto ng konsulada ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia ang mga Overseas Filipino Workers doon dahil sa inaasahang pagtama ng tropical cyclone sa bansa.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinayuhan na ni Consul General Edgar Bajados ang mga Pinoy doon na maghanda sa anumang magiging epekto ng bagyo.

Ayon sa mga otoridad, posibleng tatama ang malakas na bagyo sa bahagi ng Najran at kalapit na lugar na posibleng magdulot ng matinding pagbaha.

Batay sa datos ng Saudi General Authority of Meterology and Environment Protection (GAMEP), inaasahan ang pagbuhos ng malakas na ulan hanggang sa May 29.

Sa tala ng Consul General, tinatayang nasa walong libong ang Pinoy na nasa Narjan, habang 15,000 sa Johann at 13,000 sa Khamis Mushayt.

Nagbabala na rin ang Saudi Civil Defense sa publiko na iwasan ang pagpunta sa mga lugar na malapit sa ilog at lambak.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *