limousine
International

20 nasawi sa limousine crash sa New York

LUMABAS sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad na bigong sumailalim sa inspeksyon ang naaksidenteng 2001 ford excursion limousine.

 Nangyari ang aksidente sa Schoharie, New York na kumitil sa halos 20 katao.

Ito ang inihayag ni New York Governor Andrew Cuomo.

Maliban rito, wala ring sapat na lisensya ang drayber ng limousine para i-operate ito.

Lumabas ito sa imbestigasyon ng Federal Department of Transportation.

Ngayon, patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon sa naturang insidente maging sa kompanyang gumawa ng naturang limousine

Kabilang naman sa mga nasawi ang two pairs ng newlyweds, apat na magkapatid na babae ng isang mag-asawa.

Nasawi rin ang dalawang magkapatid na lalaki mula naman sa isa pang mag-asawa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *