bombers
International

2 US B-52 bombers, lumipad sa bisinidad ng South China Sea

Kinumpirma ng US Pacific Air Forces ang paglipad ng dalawang US B-52 bombers sa loob mismo ng bisinidad ng pinag-aagawang Spratly Islands sa South China Sea noong Martes.

Ayon sa Pentagon, ang paglipad ng naturang nuclear capable B-52 bombers ay bahagi ng kanilang routine training mission.

Ang naturang bombers na nakabase sa Guam ay lumipad mula Andersen Air Force hanggang sa kanilang navy support facility sa Diego Garcia sa Indian Ocean.

Pero ayon naman sa US Pacific Air Force ang naturang bombers ay lumipad noong Martes mula sa kanilang pasilidad sa Diego Garcia, nagsagawa ng training sa bisinidad ng South China Sea at bumalik uli sa Diego Garcia.

Ang nabanggit na flight operation ay bahagi ng continuous bomber presence ng US Pacific Command na regular na ginagawa mula pa noong 2004 at ito ay naaayon sa international law

Matatandaang inakusahan ni US Secretary of Defense James Mattis ang China ng intimidasyon sa rehiyon dahil sa ginagawang militarisasyon sa ilang mga isla rito.

Dahil dito hindi aniya aalis ang Amerika sa rehiyon upang mapanatili ang kaayusan dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *