HAWAK na
National

2 testigo sa pagpatay kay Batocabe, hawak na ng PNP

HAWAK na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang testigo sa pagpatay kay AKO Bicol Party­list Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. Benigno Durana Jr., ang dalawang witness ang posibleng makakapagturo sa mastermind sa krimen.

Sinabi rin ni Durana na gumaganda na ang takbo sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) sa Batocabe slay.

Una nang inihayag ni PNP Chief Oscar Albayalde na anim na ‘persons of interest’ ang  natukoy na nasa likod ng pamamaslang sa kongresista.

Samantala itinaas naman ni Pangulong Duterte sa P50-M ang reward para sa sinumang makapagtuturo sa mga salarin at utak sa krimen.

Base sa impormasyon, nagsimulang makatanggap ng death threats si Batocabe nang magsumite ito ng Certificate of Candidacy (COC).

Nagsumite si Batocabe ng COC noong Oktubre 2018 para sa pagtakbo nitong bilang alkalde ng Daraga.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *