sa Jones
Regional

2 suspek sa panununog ng VCM sa Jones, Isabela, hawak na ng otoridad

HAWAK na ng PNP Jones ang dalawang suspek na itinuturong nanunog ng Vote Counting Machines (VCM) at election materials sa Jones, Isabela.

Ayon sa PNP Regional Office 2, naaresto ang isa sa mga suspek na si Rodel Pascul, 34 anyos sa isang hot pursuit operation sa Barangay Diarao kagabi.

Habang sumuko kaninang alas 9:30 ng umaga ang isa pang suspek na si Jayson Leanio sa barangay captain ng Santa Isabel ngunit mariing itinanggi ng mga ito ang alegasyon.

Natukoy ang pagkakilanlan ng dalawang suspek batay sa mga testigo.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga reklamo isasampa laban sa dalawa.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *