jobquest
Business

2-day mega jobs fair, pinangunahan ng JobQuest.ph

Pinangunahan ng JobQuest.ph ang isinasagawang two-day mega jobs fair sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ang naturang job fair ay mula August 8-9.

Nasa 55 employers ang nakiisa sa nasabing jobs fair.

JobQuest.ph, pinakamalaking jobs fair organizer

Ayon sa JobQuest.ph bilang isa sa pinakamalaking jobs fair organizer sa bansa, libu-libong trabaho ang naghihintay sa mga aplikante hindi lang sa lokal kundi maging sa abroad. 

Kabilang sa mga mapagpipiliang trabaho ay nasa larangan ng general services, electronics, machinery, factory works at maging sa broadcasting.

Muling pinapaalalahanan ang mga aplikante sa bawat oportunidad ay  kailangang may maayos kang record at magandang personalidad para matanggap sa trabahong na inaaplayan. 

Ang Sonshine Media Network International  (SMNI) ang media partner ng JobQuest.ph sa naturang job fair.

Ulat ni Pol Montibon

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *