Philippine at US Coast Guard
National Regional

2 Chinese vessels, namataan ng Philippine at US Coast Guard sa WPS

DALAWANG Chinese vessels ang namataan ng mga miyembro ng Philippine at US Coast Guard sa kasagsagan ng kanilang Capability Training Exercise sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakita ang dalawang Chinese Coast Guard vessels malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa kanilang training exercise ng USCG Cutter Bertholf at ng BRP Batangas at BRP Kalanggaman.

Nagsagawa ang PCG at USCG ng isang rescue simulation at communication exercise bilang bahagi ng capability training.

Matatandaang una nang ibinunyag ng mga mangingisdang pinoy ang isinasagawang mass harvesting giant clams ng Chinese vessels sa nasabing lugar.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *